Matulungan ang bata na matutong tumingin, makinig, gumaya, mag-focus kahit short time, at matapos ang isang simple task with guidance.
Matulungan ang bata na mapansin kung alin ang magkapareho, alin ang iba, at paano i-connect ang objects, colors, shapes, and pictures. In this phase, hindi muna kailangan perfect ang pagsagot. Ang goal muna is looking carefully, comparing, choosing, and matching with guidance.
Matulungan ang bata na matutong mag-group ng items based on what they have in common — color, size, type, use, or category.
In this phase, ang goal is hindi muna perfect labels. Mas importante muna na matutunan ng child ang idea na “these things belong together.”
Matulungan ang bata na mag-practice ng remembering, looking back, recalling what happened, finding missing items, and following short memory-based tasks.
In this phase, ang goal is not memorization like school exams. Ang goal is functional memory — yung kaya niyang maalala ang bagay, action, place, or simple step during play and daily routines.